BSP Financial Education Congress – November 18, 2025

Ginawaran ng parangal  ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Credit Card Association of the Philippines (CCAP) bilang Promising Financial Education Partner noong November 18, 2025, sa BSP Financial Education Congress.

Sa parehong araw, opisyal ding inilunsad ang Credit Card E-Learning Module na ginawa ng CCAP kasama ang BSP BELA—isang learning resource na layuning gabayan ang mga Pilipino sa wasto, wais, at ligtas na paggamit ng credit cards. Mula sa pag-intindi ng basic concepts at fees hanggang sa tips para iwas-scam at mas secure na transactions.

Kasama ang BSP, layunin namin  na palawakin ang pagbibigay kaalaman about the proper use of credit cards  tungo sa mas malalim na financial literacy at inclusion.

Abangan ang buong module soon sa http://bsplearn.bsp.gov.ph

Newsletter

Subscribe now and get updates from the Credit Card Association of the Philippines.